
Nagsimula na sa kanyang chemotherapy ang popular Filipino-American vlogger na si Wil Dasovich.
Kamakailan, ibinahagi niya ang tungkol sa chest implant na inilagay sa kanya bilang preparasyon dito.
Sa pinakabagong vlog na in-upload niya sa kanyang YouTube account, ibinahagi ni Wil ang unang araw ng kanyang chemotherapy.
Makikitang maganda ang mood ni Wil na nakikipagbiruan pa sa kanyang ama at kapwa vlogger na si Alodia Gosiengfiao.
Matatandaang na-diagnose si Wil ng stage 3 colon cancer at patuloy niyang ibinabahagi ang ilang mga detalye nito sa kanyang vlogs.
Panoorin ang kanyang latest na vlog dito:
Video courtesy of Wil Dasovich