
Ang bonggang GMA thanksgiving party, naging mini reunion para sa dating magkakatrabaho sa Wowowin. Maliban kasi sa ibang naglalakihang Kapuso stars na dumalo sa event, muli ring nagkasama-sama sina Willie Revillame at ang tambalang DonEkla nina Donita Nose at Tekla.
Nanguna sa pagpapalaro ng ‘Hep Hep Hooray’ si Donita Nose at Sugar Mercado. Pero sa kalagitnaan nito, hinanap ni Kuya Wil si Tekla at sumali na ito sa pag-ho-host.
Ibinahagi naman ng dalawang komedyante na napakasarap sa pakiramdam na makatrabaho muli si Willie.
“Wala kami sa Wowowin ng medyo matagal pero we don’t burn bridges naman kay Kuya so talagang andun pa rin ‘yung respeto namin,” ani Donita Nose.
Dagdag din ni Tekla, tumatanaw pa rin sila ng utang na loob sa Wowowin host.
Aniya, “Syempre lahat ay utang namin kay Kuya. Without him, wala siguro kami. Kumbaga dahil kay Kuya, kung nasaan kami ngayon, inaani na namin ngayon yun.”
Panoorin: