Celebrity Life

WATCH: Willie Revillame, isinakay si Josh Aquino sa kanyang Ferrari

By Cherry Sun
Published July 24, 2018 11:37 AM PHT
Updated July 24, 2018 11:43 AM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News



Silipin ang mga naganap sa mahigit limang oras na pagbisita ni Willie Revillame kay Kris Aquino at sa anak nitong si Josh.

Hindi nagtapos sa simpleng pagbisita kay Josh Aquino si Willie Revillame. Isinakay rin kasi ng Wowowin host sa kanyang magarang Ferrari ang panganay ni Kris Aquino.

Nadokumento ni Kris ang masayang bonding ng kanyang anak at dating katrabaho. Suwerte raw ang kanyang panganay dahil si Willie mismo ang nagmananeho habang nakasakay naman sa luxury car nito si Josh.

Ani Kris, “Binigyan ni Tito Willie si kuya Josh ng oras at importansya. In my book - Willie Revillame is a man worthy of my true gratitude & respect.”

Tumagal daw ng limang oras ang bisita ni Willie sa kanilang bahay.

 

My life may seem complicated- but i’m not... mahalin ang mga anak ko, paligayahin sila- super HAPPY na ko... ‘pag may kabutihang pinakita sa mga pinakamamahal ko- i’m yours... Binigyan ni tito willie si kuya josh ng oras at importansya. In my book- willie revillame is a man worthy of my true gratitude & respect. (song credit: You Are Not Alone by Nina from my Universal Records album Blessings of Love.) P.S. Malapit na po sa airport, flying to an endorsement shoot in Indonesia. Ako po nag edit nito- para masaya ang Tuesday. ???? 5 hours po si willie sa bahay namin kahapon, 2:15 to 7:15 PM. Believe me, we’re just like you (except ako ang Ferrari sa commercial lang ng San Miguel 13 years ago natikman ma “drive”, si willie kanya talaga- winner, kaya swerte ni kuya josh- inikot sya ni tito willie sa isa sa dream cars nya)- nanuod po kami ng SONA, kumain, nag kwentuhan. #ichooselove (nag 2 block screenings ako last night- pag uwi ko yung mga CD ni willie nasa tabi pa rin nya. Yun ang simple at totoong happiness. ????)

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on