
Malapit nang maging ganap na piloto si Willie Revillame. Sa katunayan, mapapanood ang isa niyang flying session kung saan siya mismo ang nagpalipad ng sarili niyang helicopter.
Sa kasalukuyan, may hawak nang student license si Kuya Wil at ilang sessions na lang ay makakatapos na siya para maging isang licensed pilot.
IN PHOTOS: Celebrities na piloto
Aniya, sa Tagaytay siya nag-aaral at nag-eensayo kada umaga dahil ang kanyang hapon ay dedicated na sa kanyang programang Wowowin. Ang helicopter din daw ang preferred vehicle ng Kapuso host dahil nais niyang mabisita ang kanyang properties sa Tagaytay, Puerto Princesa at Quezon City bago siya magsimula ng trabaho.
Sa ibinahaging video ni Adrian Gret, Executive Producer ng Wowowin, makikitang mahusay na magpalipad at magpa-landing ng helicopter si Willie. Kasama rin nila sa chopper ride ang pilotong nagtuturo sa kanya.
Panoorin: