
World-class dolls ng mga sikat ang ginagawa ng isang Pinoy na base sa Amerika.
Nagsimula si Noel Cruz sa paggawa ng mga customized doll dahil sa hilig ng kaniyang asawa sa mga manika.
Imbis na bumili ng bago, naisipan ni Noel na subukan itong gawin at maging isang doll repaint artist.
Aniya, “The concept of a doll repaint is you take an existing doll, and as an artist, binubura ko 'yung mukha niya and niri-repaint ko ulit.”
Iba't ibang manika na siya mismo ang nagstyle at nagpinta ng mukha ang makikita sa kaniyang bahay.
Ilan sa kaniyang ginawa at binebenta ay ang reigning Miss Universe Catriona Gray, former Miss Universe Pia Wurtzbach, Hollywood actress Farrah Faucet, at character dolls na sina Joker, Maleficent, at Princess Leia.
Ayon kay Noel, mula tatlong araw hanggang isang linggo ang paggawa ng isang customized doll at mabibili ito mula PhP 60,000 pataas.
Panoorin: