What's on TV

WATCH: World premiere ng 'The Gift,' sama-samang inabangan ng cast at publiko

By Cara Emmeline Garcia
Published September 18, 2019 1:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Pope marks World Press Freedom Day, laments violations and honors slain reporters
Farm to Table: (May 3, 2026) LIVE
Naga City unveils new tourism brand

Article Inside Page


Showbiz News



First episode pa lang ng 'The Gift,' sari-saring emosyon na ang naramdaman ng mga manonood na nagsilbing patikim sa mga susunod na episodes ng serye.

Sabay-sabay na inabangan ng buong cast sa pangunguna ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang world premiere ng The Gift.

TJ Trinidad at Jean Garcia
TJ Trinidad at Jean Garcia

First episode pa lang, sari-saring emosyon na ang naramdaman ng mga manonood na nagsilbing patikim sa mga susunod na episodes ng serye.

Saad ni Alden, “Asahan niyo po dito, gaya ng napanood niyo sa pilot, bibigyan po namin kayo ng mga eksenang kung baga rollercoaster of emotions.

“Sisiguraduhin rin po namin na ang mga eksena would always matter for the next scene.”

Dagdag pa ng kanyang co-stars na sina Mikee Quintos at Mikoy Morales, punong-puno ng puso ang kaaabangan rito.

“'Yun 'yung magandang mix e. Alam ng show kung kelan kukurutin ang puso mo tapos kung kelan ka patatawanin,” ani Mikoy.

Sambit pa ni Mikee, “Hindi lang siya drama. Dun sa gitna ng pag-iiyak mo, mapapatawa ka bigla. 'Yung biglang ganun twist… ang galing mo Direk LA [Madridejos]!”

Tara na't maki-boodle fight kasama ang cast ng #TheGift! #TheGiftWorldPremiere

A post shared by gmanetwork (@gmanetwork) on

Pinalabas rin ang pilot episode ng The Gift sa may giant screen sa Quiapo na inabangan ng ilang manonood.

Ano kaya ang masasabi nila tungkol sa pilot episode?

Panoorin sa chika ni Aubrey Carampel:

WATCH: The first full episode of 'The Gift'

EXCLUSIVE: Jo Berry welcomes “good kind of pressure” in 'The Gift'