What's Hot

WATCH: 'Wowowin' contestant na look-alike ni Lovi Poe, nadiskubre sa pagtitinda ng balut

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 3:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



"Wala po kasi kaming pagkakakitaan kaya po naisip po ng magulang ko na magtinda nalang po kami ng balut." - Dimple Ortega


 

Siya si Dimple Ortega, 19 years old, mula San Pedro, Laguna, at isang freelance model. Marami ang humahanga sa kanyang ganda dahil kahawig niya si Lovi Poe ngunit mas marami pa ang namangha nang malaman ang kanyang pinagmulan.
 
Sumali si Dimple sa ‘Will of Fortune’ segment ng Wowowin at dito niya ibinahagi na sa pagtitinda siya ng balut nadiskubre.
 
“16 years old, 17 (years old), nagtinda ako ng balot sa amin pong lugar. Eh wala po kasi kaming pagkakakitaan kaya po naisip po ng magulang ko na magtinda nalang po kami ng balut para makaahon sa hirap,” wika niya.
 
“Madalas napapakyaw ‘yung balut,” dagdag pa ni Dimple nang batiin ni Kuya Wil ang kanyang  ganda.
 
Masaya man ang itinatakbo ng kanyang buhay ngayon, hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan. Ikinuwento ng kanyang ina kung paano nakaranas ng pambu-bully si Dimple.
 
Pahayag ng kanyang ina, “Noong minsan nga, umiyak ‘yan sa akin kasi tinutukso nung mga kaklase niya. Minsan tinatawag sa kanya, ‘Balut, balut.’ ‘Yun ang tawag sa kanya, code name niya na ‘yung balut sa amin. Sabi ko, ‘Wag kang umiyak kasi ang pagtitinda ng balut ay isang marangal na trabaho at ipagmalaki mo ‘yun kasi nakakatulong ka sa magulang mo.”
 
Kinuha na rin ng kanyang ina ang pagkakataon na ibahagi sa publiko ang kanyang pagpapasalamat at pagmamalaki sa pagkakaroon ng isang anak na tulad ni Dimple.
 
Aniya, “Isa lang masasabi ko, salamat. Salamat. Salamat sa pagiging mabuting anak. Salamat sa pagtulong mo sa amin ng ama mo, sa pagmamahal mo sa mga kapatid mo. ‘Wag kang huminto sa pangarap mo. Alam kong matutupad mo ‘yan. Kapit ka lang anak. At sa bawat gagawin mo, tandaan mo lagi kaming nandito, nakasuporta kami ng papa mo, ng mga kapatid mo. Mahal na mahal ka namin.”

 

 


 

MORE ON WOWOWIN: 

IN PHOTOS: Wilie Revillame, muling pinagtibay ang kontrata sa GMA Network

MUST-READ: "Dito ko naramdaman 'yung walang intriga" - Willie on renewing ties with GMA

WATCH: 95-year-old lola, nais mabuhay ng matagal para makita si Willie Revillame