What's Hot

WATCH: Wyn Marquez at Mark Herras, balak nang magpakasal?

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 11, 2018 11:40 AM PHT
Updated December 11, 2018 12:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PHIVOLCS logs 400 back-to-back earthquakes in Kalamansig, Sultan Kudarat
Over 150 cellphones stolen during Sinulog fest recovered
United Kingdom considering social media ban for minors

Article Inside Page


Showbiz News



Paano nga ba sasagutin ni Wyn Marquez ang kanyang mga kamag-anak kapag tinanong siya kung may balak na ba sila ni Mark Herras na magpakasal?

“Malalaman n'yo naman. Chill lang kayo.”

Wyn Marquez
Wyn Marquez

'Yan ang isasagot ni Kapuso actress at beauty queen Teresita Marquez sa mga kamag-anak niyang magtatanong ngayong Pasko kung may balak na ba silang magpakasal ng nobyong si Mark Herras.

“Wala pa. Marami pa akong gustong i-achieve and kung alam mo naman 'yung perfect time, malalaman n'yo naman na 'yon na 'yon,” dagdag niya.

Bukod kay Wyn, hindi rin maiwasan matanong ng kanyang relatives si Glaiza De Castro kung mayroon na siyang boyfriend.

Kuwento ni Glaiza, “Yung mga tito ko, 'kailangan ka mag-aasawa?' Sinasabi ko, 'Pwede boyfriend muna?' The usual questions na 'o, may dine-date ka ba?' Medyo uncomfortable 'yon ah.”

Alamin ang iba pang sagot ng mga artista sa mga nakaka-pressure na tanong sa video na ito: