Celebrity Life

WATCH: Wyn Marquez at Vandolph binisita ang kapatid na si Mark Anthony Fernandez sa bago nitong kulungan

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 21, 2020 8:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

One week reenacted budget won't hurt gov't ops in 2026 — Recto
Siblings slain on Christmas Day in Cebu City
How celebrity families celebrated Christmas 2025

Article Inside Page


Showbiz News



Nakalipat na sa Angeles District Jail si Mark Anthony Fernandez matapos itong hilingin ng kampo ng aktor sa korte sa Pampanga. Dito siya binisita ng mga kapatid na sina Wyn at Vandolph. 


Nakalipat na sa Angeles District Jail mula sa Station 6 ng Angeles PNP si Mark Anthony Fernandez matapos itong hilingin ng kampo ng aktor sa korte sa Pampanga.

Matatandaang ipinagpaliban ang arraignment ni Mark Anthony noong October 6 at naghain din ng mosyon ang kanyang kampo na ilipat siya ng ibang kulungan dahil puno na ang Angeles City Jail. 

Sa ulat naman ni Katrina Son sa 24 Oras ngayong araw, October 8, ipinakitang lumipat na ang aktor sa Angeles District Jail at sinamahan siya ng kanyang inang si Alma Moreno at kanyang abugado.

Pagdating daw ng aktor sa kanyang bagong kulungan ay binigyan agad siya ng tsinelas, mga unan, electric fan at kutson. Asikasong asikaso rin siya ni Alma dahil sumama raw ang pakiramdam nito.

“Ngayon, stable na ‘yung blood pressure niya. Medyo tumaas kanina, ngayon stable na,” pahayag ni Atty. Slyvia Flores.

Sambit pa niya, siksikan pa rin daw sa bagong linipatan ni Mark Anthony.

Aniya, “’Yung ordinary jail kung saan dapat ang detainees, nandoon siya ngayon. Congested itong jail na ito kaya hindi niyo i-e-expect talaga na maluwag dito.”

Ipinakita rin sa parehong ulat na binisita ng kanyang mga kapatid na sina Vandolph Quizon at Wyn Marquez, at pinsang si LJ Moreno si Mark Anthony.

Wika ni Vandolph, “All the family is aksing for [is] prayers for my brother, and malalampasan din namin itong unos na ‘to.”

Samantala, tumanggi namang magpa-interview sina Wyn at LJ.

Video from GMA News

MORE ON MARK ANTHONY FERNANDEZ:

IN PHOTOS: Ang mga babae sa buhay ni Mark Anthony Fernandez

IN PHOTOS: Ang buhay ni Mark Anthony Fernandez

WATCH: Mark Anthony Fernandez, lusot sa isa niyang kaso