
Mas malalim na ang pinaghuhugutan ni Miss World Philippines 2017 candidate na si Wyn Marquez sa kanyang panibagong pageant experience ngayon.
Bukod sa kanyang layunin na manalo sa pageant, naging aktibo na rin ang Kapuso star sa kanyang mga napiling mga adbokasiya.
“We had a lot of workshops, we had a lot of interviews, and it made me realize who I am more. Sa totoo lang, ‘yung beauty with a purpose [ay] mas na realize ko na iyon talaga ang purpose ko,” saad ng beauty queen aspirant sa Unang Hirit.
Dagdag pa niya sa kanyang Instagram post, “[It’s] about using this kind of opportunity to actually let people know that they can also be a part of something that can help make a difference in the society."
Video courtesy of GMA News