
Ibinahagi ni Kapuso celebrity mom Yasmien Kurdi kung ano ang parenting style niya sa kanyang anak na si Ayesha Zara.
Ayon kay Yasmien, pinapalo niya ang anak ngunit sa mga bahagi lamang ng katawan na hindi madali magkaroon ng pasa.
“Pabor ako sa pamamalo lalo na kung ilang beses mo na pinagsabihan pero hindi pa rin sumusunod,” saad ni Yasmien.
“Pero papalunin niyo rin siya in a right place, maaalala niya yon.”
Dagdag ni Yasmien, hindi rin siya pumapayag na kumain ng junk food si Ayesha at hindi rin niya ito binibigyan ng pera pag pumapasok sa school.
Alamin ang iba pang sagot ni Yasmien sa report na ito:
Mapapanood si Yasmien soon sa 'Hiram na Anak' kung saan makakasama niya sina Dion Ignacio, Lauren Young, Paolo Contis, Maey Bautista at Leanne Bautista.