
Nagkuwento ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka stars na sina Yasmien Kurdi at Mike Tan tungkol sa kanilang sensual scenes sa pagbibidahang GMA Afternoon Prime soap ngayong 2018.
“May mga scenes kami na medyo sensual siya in a bit pero hindi na namin masyadong [naiisip] dahil sa closeness namin,” kwento ng Kapuso leading lady sa report ng Unang Hirit.
Parehong produkto ng reality-based artista search na StarStruck ang dalawang Kapuso stars. “Masaya ako kasi ka-eksena ko ‘yung taong kilalang-kilala ko at kumportable ako,” saad ni Yasmien.
Isang hamon naman para kay Mike bilang isang dramatic actor na gumanap sa panibagong drama pagkatapos mamatay ang kanyang karakter sa highest-rating daytime drama na Ika-6 na Utos. Aniya, “Alam mong mabibigat ‘yung mga eksena pero panibagong challenge ‘to sa akin bilang aktor."
Sumailalim naman sa HIV 101 seminar ang cast, ayon sa co-star nilang si Martin del Rosario. Aniya, “Nag-attend kami ng HIV 101 dito sa GMA para i-brief kami kung ano ‘yung mga facts and ‘yung mga myths about HIV.”
Abangan ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka, soon on GMA Afternoon Prime.