What's on TV

WATCH: Yasmien Kurdi at Mike Tan, may sensual scenes sa 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka'

By Bea Rodriguez
Published December 7, 2017 12:10 PM PHT
Updated February 20, 2018 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Magna Carta of Filipino Seafarers: What It Means for Those Who Live Life at Sea
Latest bid to rein in Trump's Iran war powers fails in US House
GMA Kapuso Foundation, namahagi ng tulong sa mga apektado ng mahal na langis sa Mt. Province sa ilalim ng Operation Bayanihan Project | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Puspusan na ang paghahanda ng cast ng upcoming Kapuso teleserye na 'Hindi Ko Kayang Iwan Ka.'

Nagkuwento ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka stars na sina Yasmien Kurdi at Mike Tan tungkol sa kanilang sensual scenes sa pagbibidahang GMA Afternoon Prime soap ngayong 2018.

“May mga scenes kami na medyo sensual siya in a bit pero hindi na namin masyadong [naiisip] dahil sa closeness namin,” kwento ng Kapuso leading lady sa report ng Unang Hirit.
 
Parehong produkto ng reality-based artista search na StarStruck ang dalawang Kapuso stars. “Masaya ako kasi ka-eksena ko ‘yung taong kilalang-kilala ko at kumportable ako,” saad ni Yasmien.

Isang hamon naman para kay Mike bilang isang dramatic actor na gumanap sa panibagong drama pagkatapos mamatay ang kanyang karakter sa highest-rating daytime drama na Ika-6 na Utos. Aniya, “Alam mong mabibigat ‘yung mga eksena pero panibagong challenge ‘to sa akin bilang aktor." 

Sumailalim naman sa HIV 101 seminar ang cast, ayon sa co-star nilang si Martin del Rosario. Aniya, “Nag-attend kami ng HIV 101 dito sa GMA para i-brief kami kung ano ‘yung mga facts and ‘yung mga myths about HIV.”


Abangan ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka, soon on GMA Afternoon Prime.