
May mahigit isang milyong views na sa YouTube ang stalking surprise ni Kapuso actress Yasmien Kurdi sa kanyang mister na si Rey Soldevilla.
Mapapanood sa video kung paano sinundan at sinorpresa ni Yasmien, kasama ang anak niyang si Ayesha, ang asawa niyang si Rey sa work trip sa Cebu.
WATCH: Yasmien Kurdi's vlog on “stalking” her husband earns 1M views
Aminado si Yasmien na siya mismo ang nag-isip ng content at nae-enjoy niyang ibahagi ito sa mahigit 100K subscribers niya sa YouTube.
Pahayag niya sa panayam ng 24 Oras reporter Cata Tibayan, “'Yung YouTube ngayon is para na siyang modern-day family photo album kasi pwede mo siyang balik-balikan, 'yung mga memories na ginagawa mo, at natatandaan mo pa kung ano 'yung ginagawa mo.
Maliban sa pagbahagi ng kanyang personal na buhay online, gusto rin daw ni Yasmien na ipakita ang personality niya na hindi tipikal na nakikita ng mga manonood sa telebisyon.
“Sa TV kasi nakikita nila 'yung serious side ko, lagi akong umiiyak at lagi akong dramatic.
“For how many years ko sa showbiz, hindi nila nakikita yung totoong personality ko, na yung bubbly side ko at 'yung kwela side,” pagtatapos niya.
At may tip pa si Yasmien sa kaniyang fellow mommies para makaisip ng magagandang content online.
Ano ito? Alamin sa chika ni Cata Tibayan:
LOOK: Yasmien Kurdi celebrates 100K subscribers on YouTube
WATCH: Why can't Yasmien Kurdi say no to her daughter Ayesha?