What's on TV

WATCH: Yasmien Kurdi, Mike Tan, bibida sa programang tumatalakay sa HIV at AIDS

By Cherry Sun
Published December 3, 2017 11:07 AM PHT
Updated February 20, 2018 10:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News



Napapanahon ang tema ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka dahil ipapakita rito kung ano ang pinagdadaanan ng mga taong mayroong HIV at AIDS

Isang Kapuso adbokaserye na tatalakay sa HIV at AIDS ang pagbibidahan nina Yasmien Kurdi at Mike Tan.

Napapanahon ang tema ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka dahil ipapakita rito kung ano ang pinagdadaanan ng mga taong mayroong HIV at AIDS. Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, layunin daw nito na magkaroon ng mas malawak na kamalayan ang mga manood tugkol dito.

Ani Yasmien, “Dapat maging aware na rin talaga ‘yung mga manonood at ‘yung mga sa TV kung ano ‘yung HIV.”

“Alam ko kung papano at hindi ka mahahawa doon sa HIV, at alam ko rin na hindi sila dapat.. alam mo ‘yun, huwag mo silang ituring na ibang tao,” pahayag naman ni Mike.

Sa parehong ulat, nagkuwento rin si Yasmien tungkol sa kanyang Malaysian fans.

“Katatapos lang nung Sa Piling ni Nanay, ‘yung Ysabel doon, parang a week ago. Hanggang ngayon nagme-message pa rin sila. Every time I post a picture or a video on Instagram, grabe talaga sila maka-message,” sambit niya.