
Inamin ni Yasmien Kurdi na marami ang nagpadala sa kanya ng mensahe matapos ianunsyo ang balik tambalan nila ni Dion Ignacio sa Hiram na Anak .
Magkatambal dati sina Yasmien at Dion sa Saan Darating ang Umaga?' na ipinalabas sa Africa.
Yasmien Kurdi reveals her husband gets 'slightly' jealous of her leading man Dion Ignacio
Hiram Na Anak: Yasmien Kurdi is Miren | Teaser
"Mga fans namin from Africa, nag-message agad noong nag-post ako ng picture kasi ipinalabas noon ang Saan Darating ang Umaga? so may fans kami from Ghana, from Uthopia," kuwento ni Yasmien.
"Sabi nila, 'Shane and Raul! They're back,'" dagdag niya.
Gaganap naman na kontrabida sa Hiram na Anak sina Paolo Contis at Lauren Young at makakasama rin nila sina Empress Schuck, Vaness Del Moral, Sef Cadeyona, Maey Bautista at Leanne Bautista.
Alamin ang magiging kuwento ng Hiram na Anak sa video na ito:
Abangan ang pagsisimula ng Hiram na Anak sa February 25, bago ang Eat Bulaga.