
Sa kanyang Instagram account, ishinare ni Edu Manzano ang isang throwback video ng kanyang anak na si Luis Manzano na nagpe-perform sa Vilma!, dating show ng kanyang inang si Vilma Santos sa GMA noong dekada '80.
Tumakbo ang Vilma mula 1986 hanggang 1995 at pinalitan ng ngayo'y longest-running comedy gag show na Bubble Gang.
Sa video, mapapanood ang batang si Lucky na nagra-rap at sumasayaw sa isang special production number kasama ang V.I.P. dancers para sa birthday ng Star For All Seasons.
Sulat ni Edu sa caption, "You've seen him grow up from a young boy to who he is today. Played many characters and roles. Soon, his most challenging role to date. Abangan!"
Tila ang tinutukoy ni Edu sa kanyang post ang nalalapit na pag-aasawa ni Luis matapos ianunsyo ng huli ang kanyang engagement sa girlfriend nitong si Jessy Mendiola.
Samantala, ikinatuwa naman ng fans ni Vilma na mapanood muli ang nasabing video mula sa kanyang dating variety show.
Ayon sa ilang netizens, namana raw ni Luis ang kanyang mga katangian sa kanyang ama.
Bagamat hiwalay na, pinuri rin ng netizens ang pagpapalaki nina Edu at Vilma sa kanilang nag-iisang anak na si Luis.
Ayon sa isang netizen, "Lucky was raised well by two good people, although separately. He is a role model to everyone and he's making his parents so proud! Kudos to you @realedumanzano and to Ms. Vilma Santos! Btw, he got your humor and talent from both of you. God bless you all!"
Samantala, silipin sa gallery na ito ang engagement photos ni Luis Manzano at Jessy Mendiola.