
Bahagi ni Yvette, ang kanilang ginawang performance ay para sa isang benefit show para sa pamilya ni Jennifer Tecson, dating dancer ni Willie Revillame sa kabilang network.
Araw-araw natin siyang napapanood bilang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin, ngunit nagsimula si Yvette Corral sa industriya bilang isang dancer. Nitong Lunes, October 3, nagpakitang-gilas muli si Yvette sa pagsayaw kasama ang mga Wowowin Ladies.
Mapapanood sa kanyang video ang paghataw ni Yvette sa dance floor. As of this writing, ang kanyang in-upload na video sa Facebook ay mayroon nang 1.8 million views.
Bahagi ni Yvette, ang kanilang ginawang performance ay para sa isang benefit show para sa pamilya ni Jennifer Tecson, dating dancer ni Willie Revillame sa kabilang network.
Aniya, “She passed away, and ‘yung kinita nung show is for an educational plan para sa anak niya. Nagsama-sama lahat ng dancers kasama Sexbomb, mga dating artista, Maneuvers, Speed, at halos lahat ng mga dancers ni Kuya Wil dati.”
MORE ON YVETTE CORRAL:
READ: Kilalanin si Yvette Corral, isa sa co-hosts ni Willie Revillame sa Wowowin
EXCLUSIVE: Co-hosts ni Willie Revillame, ibinahagi ang kanilang best memories sa Wowowin