
Nag-sign muli ng contract ang aktor na si Zoren Legaspi dito sa GMA Network. Ano kaya ang gusto niyang maging proyekto ngayong Kapuso na siya muli?
Aniya, "I would like to see myself doing... I guess action again. You know, I came from doing action movies kaya 'yun 'yung medyo nami-miss ko." Ang ilan sa mga action films ni Zoren ay ang 1996 movies Duwelo, Sandata, Baril sa Baril, at Badido.
Si Zoren din ay hindi lang magiging aktor, kundi magiging isa ring director under GMA-7. Dito sa Kapuso network din natupad ang kanyang pangarap na makapag-direct for the first time.
Panoorin ang buong report sa 24 Oras dito:
Video courtesy of GMA News