What's Hot

WATCH: Zoren Legaspi, may payo kay Mavy para sa future leading ladies ng anak

By Aaron Brennt Eusebio
Published February 13, 2020 12:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Palace on Bong Revilla: Allies won't be spared
Resolusyon aron Mabalik ang Karaang Pamaagi sa Fluvial Procession, Giduso | Balitang Bisdak
Italian fashion designer Valentino passes away

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang payo ni Zoren Legaspi sa kanyang anak na si Mavy Legaspi?

"As an actor, you should study your partner para alam mo kung paano mo ibabagay 'yung character mo sa kanya."

Mavy Legaspi and Zoren Legaspi
Mavy Legaspi and Zoren Legaspi

Ito ang payo ng seasoned actor na si Zoren Legaspi sa kanyang anak na si Mavy paral sa magiging ka-love team nito sa showbiz.

Ayon pa kay Zoren, "late bloomer" siya bilang aktor dahil kamakailan niya lang naintindihan kung ano ang ibig sabihin ng "acting."

"I've been in the business for a long time, late bloomer ako as an actor, I will admit that," dagdag pa ni Zoren.

"Recently ko lang naintindihan what acting is all about kaya recently lang ako nag-e-enjoy."

Magiging kapareha muli ni Zoren sa Bilangin ang Bituin sa Langit si Mylene Dizon, na una niyang nakatrabaho noon sa epic-serye na Sahaya.

"I know si Mylene, she can really perform. Kaya sa bahay, I would somehow simulate kung ano 'yung gagawin ng director," pag-amin ni Zoren kung paano siya naghahanda.

"So pagdating ko sa set, somehow simulated na 'yung eksena sa akin so it's easier for me to adapt and also doon sa acting ni Mylene.

"So binabagay ko kung kelan 'yung tempo niya para harmonious 'yung dialogue namin."

Panoorin ang buong pahayag ni Zoren sa Kapuso Showbiz News video na ito:




Abangan si Zoren sa 'Bilangin ang Bituin sa Langit' na magsisimula na sa February 24 sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Prima Donnas.