
Tried and tested raw para kay Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose ang pagdadasal para makapag-move on pagkatapos ng isang break up.
Tried and tested raw para kay Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose ang pagdadasal para makapag-move on pagkatapos ng isang break up.
MUST-READ: Julie Anne San Jose, humuhugit sa heartbreak para sa ‘Naririnig Mo Ba?’
“Sa mga relationships naman talaga, hindi naman pare-parehas ‘yan. May kanya-kanyang level or depth so ako ang ginagawa ko [is] I always pray. Sobrang effective niya for me kasi wala ka talagang may matatakbuhan,” lahad ng actress-singer sa show na Mars.
Sa Diyos na siya mismo lumalapit at humuhugot ng lakas para malampasan ang pinagdadaanan na sakit na hindi niya maibahagi sa kanyang pamilya.
“Hindi ko masabi sa parents ko o sa family ko kasi alam ko naman [na] parang hindi nila masyadong maiintindihan,” paliwanag ng aktres.
Pagdating sa pag-ibig, kinakailangan raw maging matalino sa pagdedesisyon upang maiwasan ang hindi kanais-nais na resulta. Ani, “Lahat naman ng mga choices natin, tayo naman talaga ‘yun so whatever consequences, choices talaga natin ‘yun.”
Isa pa, inisiyatibo na ng isang taong maghilom sa ano mang sakit na nararamdaman. “Walang ibang makakatulong sa iyo kundi ikaw,” pagtatapos ni Julie Anne.
READ: “Hindi naman natin inaasahan na ma-fall tayo” –Julie Anne San Jose
Benjamin Alves to Julie Anne San Jose: “Akin ka lang”