
Masaya ang maraming fans at avid readers ng Wattpad author na si VentreCanard sa kanyang naging face reveal online kasabay ng ginanap na Manila International Book Fair kamakailan.
Si VentreCanard o si Hope Monzanto ay ang writer ng Wattpad novel na Caught In His Arms, na magkakaroon ng TV adaptation sa GMA sa pamamagitan ng upcoming kilig series na Luv Is: Caught In His Arms. Ito ay pinagbibidahan ng Sparkle sweethearts at Team Jolly na sina Sofia Pablo at Allen Ansay, kasama ang ilan sa Sparkada boys na sina Vince Maristela, Michael Sager, Sean Lucas, at Raheel Bhyria.
Sa huling gabi ng nasabing book fair, sinorpresa ng lead stars ng Luv Is: Caught In His Arms ang fans ni Hope sa isang masayang fan meeting.
Bukod dito, sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinahagi rin ng batang author ang kanyang larawan sa Instagram hawak ang kanyang isinulat ni libro na Caught In His Arms.
Kuwento ni Hope, 14 na taong gulang pa lamang siya ng magsimulang magsulat ng fictional stories at hindi niya lubos akalain na malayo pala ang mararating ng kanyang hilig sa pagsusulat.
"I started writing when I was fourteen and I never thought that my hobby, writing cute stories would grow this big.
"For me, to have a number of readers and to have published books is just a dream, and a series adaptation is too impossible for me. I am just a simple girl hiding behind her laptop, who loves writing so much. But I never imagined that a lot of people would love my words, stories, and even my characters," kuwento niya.
Malaki rin ang pasasalamat ni Hope sa GMA at sa cast ng nasabing series dahil sa pagbibigay buhay sa kanyang isinulat na kuwento.
Aniya, "I only wish to see illustrations of my characters through fan arts like drawings, character animations, and such, but @gmadrama gave me more than that.
"To the cast of Luv Is: Caught In His Arms, thank you for loving my characters as well as I loved them. I hope for your continuous success. Thank you, @wattpad, Pop Fiction, and GMA Network for helping us, young writers, to achieve our dreams in life."
Samantala, kasama rin sa nasabing series ang ilan pa sa Sparkada members na sina Caitlyn Stave, Cheska Fausto, Kirsten Gonzales, at Tanya Ramos. Kaabang-abang din ang magiging karakter dito ng dating Artikulo 247 actress at TikTok girl na si Rain Matienzo.
Para sa iba pang updates tungkol sa Luv Is: Caught In His Arms, bisitahin ang GMANetwork.com.
SILIPIN ANG KILIG PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS LEAD STARS NA SINA SOFIA PABLO AT ALLEN ANSAY SA GALLERY NA ITO: