What's Hot

'Waves of Life,' isa sa best drama series sa Thailand, paparating na sa Pilipinas

By Gia Allana Soriano
Published November 14, 2018 11:26 AM PHT
Updated November 14, 2018 11:37 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Tech innovator Dado Banatao passes away at 79
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News



Abangan ang isa sa mga pinakapopular na Thai drama, 'Waves of Life,' ngayong November 26 na!

Kilala ang aktres at modelo na si Gina sa kanyang pagiging masipag at masiyahin. Ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti, marami nang pinagdaanan si Gina. Kabilang dito ang nakaraan niyang pinagtatakpan ng kanyang agency.

Galing sa mahirap na pamilya si Gina, kabaligtaran ng inaakala ng lahat na laki sa yaman ang aktres. Upang umangat ang kanilang buhay, nag-asawa ang kaniyang ina ng isang mayamang businessman, na may pagnanasa pala sa kaniyang stepdaughter na si Gina. Isang araw, binalak nitong pagnasaan si Gina, subalit nakatakas ang dalaga. Sa kanyang pagtakas ay nakabangga siya ng isang babaeng nakatakda nang magpakasal.

Pinilit ng mga taong nakapalibot kay Gina na pagtakapan ang pangyayaring ito. Ngunit ang fiancee ng dalaga na si Alvin, na isang abogado, ay naghinalang si Gina ang nakabangga sa kanyang fiancee. Dahil dito, ginawa ni Alvin ang lahat upang mailabas ang katotohanan.

Mapapanood na ang Waves of Life, ang isa sa mga best drama series sa Thailand, simula ngayong November 26 sa GMA Heart of Asia!