
Hindi naiwasang maging emosyonal nina Waynona Collings at Joaquin Arce dahil hindi sila nagtagumpay sa kanilang ikalawang weekly task sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0. Dahil dito, wala silang budget sa susunod na linggo.
Bilang task leaders, nakaramdam sina Waynona at Joaquin ng disappointment sa naging resulta.
"Ayoko silang ma-disappoint sa akin. Ayoko ma-feel nila na I did a bad job, gano'n," pag-amin ni Waynona kay Kuya.
Sinisisi naman ni Joaquin ang kanyang sarili. Aniya, "Medyo shameful po ako as a weekly task leader dahil I failed the weekly task. Parang 'yung accountability, responsibility, mapupunta sa 'kin. I'd lie if I said everything's good but I'm devastated Kuya to say the least. Feeling ko po kasalanan ko po."
Lubos na naapektuhan sina Waynona at Joaquin sa kanilang failed weekly task dahil inihalintulad nila ito sa kani-kanilang pamilya.
Pero pinaalala ni Kuya na ang failure ay hindi kabaligtaran ng tagumpay, kundi bahagi ng proseso papunta rito.
Patuloy na tumutok sa mga nangyayari sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Mapapanood ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 weekdays, 10:05 p.m., at weekends, 6:15 p.m., sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Watch the All-Access Livestream on GMANetwork.com/Entertainment.
RELATED CONTENT: The PBB journey of big winners Mika Salamanca and Brent Manalo