
Sina PBB alum Waynona Collings at Kapuso actor Matthew Uy ang bibida sa bagong episode ng weekend anthology series na Regal Studio Presents.
Bibigyang-buhay nila ang out of this world love story na "My Love Across the World."
Si Matthew ay si Benjie, isang space enthusiast. Si Waynona naman ay si Stella, ang eccentric niyang kapitbahay.
Kine-claim ni Stella na isa siyang alien na dumayo sa Earth. Hindi naniniwala rito si Benjie, pero tutulungan pa rin niya si Stella sa misyon nitong maghanap ng misteryosong mga space rocks.
Alien nga ba talaga si Stella? Matatanggap ba ni Matthew kung kailangan na nitong bumalik sa pinanggalingan niya?
Huwag palampasin ang bagong episode na "My Love Across the World," May 31, 2:00 p.m. sa Regal Studio Presents.
Maaari rin itong i-livestream sa GMANetwork.com/KapusoStream.