GMA Logo Waynona Collings, Ashley Sarmiento, Rave Victoria
Courtesy: GMA Network, waynonacollings (IG), ashleysarmiento_ IG, officialravevictoria IG
What's Hot

Waynona Collings, kinikilig sa AshRave?

By EJ Chua
Published November 20, 2025 1:54 PM PHT
Updated November 21, 2025 2:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GMA Kapuso Foundation builds flood-resistant school building in Camarines Sur
Maalinsangang panahon, asahan sa mga nalalabing araw ng Semana Santa | One North Central Luzon
Farm To Table: Ano'ng food trip mo this summer?

Article Inside Page


Showbiz News

Waynona Collings, Ashley Sarmiento, Rave Victoria


Ex-'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0' housemate Waynona Collings kina Ashley Sarmiento at Rave Victoria: “Their personalities are the same.”

Kinakikiligan ng viewers at netizens ang pairings o love teams sa loob ng Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Bukod sa kanila, tila shipper na rin ng isa sa mga ito ang ex-housemate ng teleserye ng totoong buhay na si Waynona Collings.

Sa pagbisita ni Waynona sa Kapuso Artistambayan, sinagot niya ang tanong kung sino sa pairs sa iconic house ang kinakikiligan niya.

Dito ay binanggit niya ang mga pangalan ng housemates naisini-ship ngayon ng marami- ang AshRave, sina Ashley Sarmiento at Rave Victoria.

Pahayag ni Waynona, “Nung nasa loob ako [ng Bahay Ni Kuya], cute nung friendship ni Ashley [Sarmiento] and Rave [Victoria]. I love their friendship.”

“Pareho silang jolly, pareho silang fun. Their personalities are the same. So, cute 'yung friendship nila,” paglalarawan niya sa Sparkle star na si Ashley at Star Magic artist na si Rave.

Samantala, ang kasabay ni Waynona bilang first evictees sa pinakabagong season ng Pinoy Big Brother ay si Reich Alim.

Huwag palampasin ang susunod na updates tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.

Mapapanood ang reality competition ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:25 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m.

Maaari ring subaybayan ang mga kaganapan sa loob ng Bahay Ni Kuya sa All-Access Livestream ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 na mapapanood sa link na nasa ibaba.

Related gallery: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'