
Lubos na itine-treasure ng ex-Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 housemate na si Waynona Collings ang unexpected friendship nila ni Lella Ford na nabuo sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Napanood sa isa sa episodes ng teleserye ng totoong buhay ang sinabi ni Lella na si Waynona ay perfect example ng isang best friend.
Sa naging panayam ng GMANetwork.com sa Sparkle star, napa-react siya sa naging pahayag ng Star Magic artist tungkol sa kanya.
Ayon kay Waynona, “Sobrang na-touch ako. I didn't know na ganon 'yung tingin ni Lella [Ford] sa akin. Sobrang na-appreciate ko siya because parang nakita niya ako. She appreciates me and na-touch ako.”
“Lella is one of my closest friends also. It was so unexpected, 'yung closeness namin. 'Yung mga one-on-one talks namin, super random lang,” paglalarawan naman niya sa samahan nila ng una.
Sina Waynona Collings at Reich Alim ang first evictees sa pinakabagong season ng Pinoy Big Brother.
Nakilala sila sa pinag-uusapang teleserye ng totoong buhay bilang Ate De Pamilya ng Quezon City at Dependable Darling ng Makati.
Samantala, huwag palampasin ang susunod na updates tungkol sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0.
Mapapanood ang reality show ng live sa GMA at Kapuso Stream, weekdays, 9:40 p.m., Sabado, 6:25 p.m., at Linggo sa oras na 10:05 p.m.
RELATED GALLERY: Meet the 20 housemates of 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0'