
Kasalukuyang nasa Italy si Belle at Adrien Semblat para sa kanilang kasal na nakatakdang ganapin sa September 10, sa Tuscany.
Isang maliit na setback ang hinarap ni 'it girl' Isabelle Daza bago ang kanyang kasal sa kanyang fiancé na si Adrien Semblat.
Hinarang kasi ng Italian customs ang mga wedding giveaways na ipinadala ni Belle mula Maynila patungong Italy, kung saan sila nakatakdang ikasal.
Matatandaang pinagtulungan pa ng kanyang kapatid na si Ava at ilang pa nilang mga kaibigan ang paghahanda ng gift bags na ito para ibigay sa mga bisita ni Belle sa kasal.
Kabilang sa gift bag ang ilang hygiene products, mga medyas na may larawan nina Belle at Adrien, maliit na bote ng alak at iba pa.
"So sad just got word that the Italian customs in Rome will not release all the give aways for my wedding," sulat ni Belle sa caption ng kanyang Instagram post.
Hindi naman naibahagi ni Belle ang rason kung bakit hindi pinayagang ipasok sa bansa ang kanyang mga giveaways.
Samantala, humihingi ng mga suggestions si Belle para sa kanilang wedding hashtag.
Kasalukuyang nasa Italy si Belle at Adrien para sa kanilang kasal na nakatakdang ganapin sa September 10, sa Tuscany.
LOOK: Isabelle Daza's last day as a single woman
MORE ON ISABELLE DAZA:
WATCH: Isabelle Daza and Adrien Semblat's pre-wedding shoot
IN PHOTOS: Isabelle Daza and Adrien Semblat's pre-wedding trip