
May handang masayang weekend feast ang Farm to Table!
Ngayong May 16 at 17, mapapanood ang food adventure ni Chef JR Royol kasama ang ilan sa mga paboritong Kapuso stars.
Tampok sa programa ang mga bold reinventions, bagong recipes, at indulgent feast kasama sina Kris Bernal, Martin Javier, at Migs Almendras.
PHOTO SOURCE: Farm to Table
Dadalhin din tayo ni Chef JR sa Thyme & Again, isang European-inspired culinary haven na naghahain ng mga pagkain na may Italian, Spanish, French, at Greek influence.
Makakasama rin sa episode ang comedian at influencer na si Poca na magbabahagi ng kanyang food discoveries sa La Jardin. Samantala, may hands-on cooking demo rin ang rising Kapuso action star na si Anton Vinzon ngayong weekend.
Abangan ang masayang pagsasama ng good food, talent, at bonding moments sa Farm to Table.
Panoorin ang Farm to Table ngayong Sabado (May 16), 4:50 p.m. sa GMA, at sa Linggo (May 17), 7:00 p.m. sa GTV. Mapapanood din ang Farm to Table online via Farm to Table Facebook page, at sa GMA Network at ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube channels.