
Movie marathon ba ang hanap mo? Maraming iba't ibang mga pelikula ang inihanda ng GMA News TV ngayong weekend!
Sa January 23, tunghayan ang I Found My Heart in Santa Fe, 11:00 am sa Sine Date Weekends.
Tampok dito sina Roxanne Barcelo at Will Devaughn sa isang love story na magpapakita ng ganda ng Cebu.
Back-to-back local comedy hits naman ang hatid ng Afternoon Movie Break sa Ano Ba 'Yan? ni Vic Sotto, 2:00pm at Anting-anting starring Michael V, 4:15 pm.
Hatid naman ng Saturday Cinema Hits ang big budget fantasy film na Exodus ni Bong Revilla Jr., 8:15 pm.
Sa Linggo naman, January 24, tunghayan ang surfing romance film na Flotsam nina Solenn Heussaff at Rocco Nacino, 12:00 noon sa Sine Date Weekends.
Dalawa na namang Pinoy comedy favorites ang mapapanood sa Afternoon Movie Break--Kalabog en Bosyo, 3:00 pm at Wrong Ranger, 4:30 pm.
Exciting naman ang The Big Picture kung saan mapapanood ang Going in Style, 9:05 pm. Tampok dito sina Morgan Freeman, Michael Caine, at Alan Arkin bilang mga senior citizen na magnanakaw sa isang bangko matapos ma-cancel ang kanilang mga pensiyon.
Patuloy na tumutok sa GMA News TV para sa ibang pang mga dekalidad na pelikula.