What's Hot

#WelcomeBack: Manny Pacquiao, balik 'Pinas na!

By Aaron Brennt Eusebio
Published January 24, 2019 8:31 PM PHT
Updated January 24, 2019 8:37 PM PHT

Around GMA

Around GMA

900 families affected by Mayon unrest in Albay receive aid from GMA Kapuso Foundation
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Manny Pacquiao, masayang ibinalita ang pagbabalik-tambalan nila ng kaniyang longtime head coach na si Freddie Roach, “Maganda yung teamwork namin.”

Nakabalik na ng Pilipinas si Pambansang Kamao Manny Pacquiao matapos ang kaniyang pagkapanalo kontra Adrien Broner sa Las Vegas, Nevada noong Linggo, January 20.

Manny Pacquiao
Manny Pacquiao

Nakapanayam ng 24 Oras si Manny pagdating niya sa NAIA Terminal 1.

Dito, ibinahagi niya ang balik-tambalan nila ng kanyang longtime head coach na si Freddie Roach.

“Si Freddie, maganda yung teamwork namin, maganda rin yung naging resulta ng training namin.”

Samantala, magaling na rin ang kaniyang mata matapos magkaroon ng career-threatening eye injury.

“Okay na yung mata, pasalamat tayo sa Panginoon sa mabilis na pag-galing.”

Nagpasalamat din siya sa lahat ng sumuporta sa kanya sa kanyang laban pero tikom pa rin ang kanyang bibig kung sino ang magiging susunod niyang kalaban.

“Wala pang napag-usapan kung sino ang susunod. Siguro, after one week or two weeks magkakaroon na tayo ng initial talk kung sino ang mapupusuan natin.”

“Possible pag bumalik siya sa boxing na mag rematch kami [ni Floyd Mayweather Jr.] pero wala pa kaming initial talks.”