What's on TV

Well-loved 'Bubble Gang' episodes, puwede na mapanood nang buo online!

By Aaron Brennt Eusebio
Published December 14, 2020 12:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

In Focus: Chavit Singson (Teaser pt. 2)
Lalaki, ano ang nahanap sa lugar na tinatahulan ng kanyang mga aso? | GMA Integrated Newsfeed
January 19, 2026: One North Central Luzon Livestream

Article Inside Page


Showbiz News

Michael V as Mr Assimo in Bubble Gang


'Hiyang-hiya naman kami sa'yo 'no!' Nami-miss niyo ba ang pagtataray ni Mr. Assimo? Balikan ang ilang tumatak na episode ng 'Bubble Gang' sa YouLOL YouTube channel!

Sa loob ng 25 na taon, maraming mga karakter sa Bubble Gang ang tumatak, gaya na lang nina Antonietta ni Betong, Bonggang Bongbong ni Michael V, at ang tambalang Yaya at Angelina nina Bitoy at Ogie Alcasid.

Pero ang isa sa hindi malilimutang karakter na pinauso ng Bubble Gang ay ang masungit na si Mr. Assimo, na ginampanan ng award-winning comedian at content creator na si Michael V.

Ngayon, hindi lang si Mr. Assimo ang pwede niyong balikan dahil mapapanood niyo na nang buo ang well-loved episodes ng longest running comedy show sa Pilipinas, bilang parte ng pangalawang YouTube Super Stream.

Pumunta lamang sa YouLOL YouTube channel, at panoorin ang full episodes ng Bubble Gang at iba pang Kapuso comedy shows!

Narito ang isang episode na pwede niyong mapanood sa YouTube nang libre:

Bukod kina Bitoy, Ogie, at Betong, maraming mga batikang aktor din ang nahubog ng Bubble Gang sa pagpapatawa tulad nina Wendell Ramos, Paolo Contis at iba pa. Kilalanin sila sa gallery na ito:

--