
Simula Lunes (August 31), muling mapapanood sa GMA ang hit K-drama series na The Baker King.
Pinagbibidahan ito ng mahuhusay na aktor na sina Yoon Shi-yoon bilang Tak Gu, Joo Won bilang Matthew, Lee Young-ah bilang Melissa, at Eugene bilang Eula.
Kasama rin sa serye sina Jun Kwang-ryul, Jeon In-hwa, Jang Hang-sun, at Jeon Mi-seon.
Tampok sa The Baker King ang kompetisyon sa pagitan ng half-brothers na sina Kim Tak Gu at Matthew sa mundo ng baking. Gayundin, ang maging karapat-dapat na tagapagmana sa baking empire ng kanilang ama.
Abangan ang The Baker King simula August 31, 11:30 p.m., sa GMA.