What's Hot

Wency Cornejo, naniniwala na 'humility' at 'pakikisama' ang nagpasikat sa OPM bands no'ng '90s

By Gabby Reyes Libarios
Published November 17, 2018 6:25 PM PHT
Updated November 17, 2018 6:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News



Magsasama-sama rin sina Wency Cornejo, Cookie Chua, Paco Arespacochaga at ibang pang artists na sumikat sa rock scene no'ng '90s para sa isang malaking concert.

Naniniwala ang sikat na theater actor and singer na si Wency Cornejo na “humility” at “pakikisama” ang malaking dahilan sa pagsikat ng kanyang bandang After Image at iba pang banda noong '90s.

Kabilang sa mga tinutukoy ni Wency na sumikat no'ng '90s ay ang mga bandang IAXE, Rivermaya, Color It Red, Prettier Than Pink, Introvoys, Teeth, Put3ska, Orient Pearl, The Youth, Siakol, Eraserheads, Rizal Underground at iba pa.

“Na-realize ko na 'yong era namin ng mga musicians at singers, they're very, very generous with their time, their energy. Hindi nga nagtanong tungkol sa TF [talent fee].”

Catch the most iconic OPM acts of the 90s come together for another memorable concert: 90s OVERLOAD on November 17 at #TheTheatreAtSolaire #SolaireExperience

A post shared by Solaire Resort & Casino (@solaireresort) on

Para naman ni Perf De Castro ng Rivermaya, kaya naging maganda ang takbo ng mga career nila no'ng '90s ay dahil hindi sila nagsawa na magbigay ng suporta sa isa't isa.

“We got into this career because we simply love music.

“When we started making our own songs, we didn't stop loving music. We bought each other's albums. Pinanood namin ang mga shows ng isa't isa. Pinakinggan ko lahat. We got inspiration from everybody.

“'Yon din ang naging inspiration why we kept making music.”

Kwento naman ni Jek Manuel ng IAXE Band--ang banda sa likod ng hit song na “Ako'y Sa 'Yo at Ika'y Akin Lamang”--napakasaya at kabi-kabila ang shows ng banda noong mga panahon na 'yon.

“Natatandaan ko, isang bus isang banda. Gano'n kasaya no'n. Tapos iikot lang kami ng Bulacan no'n,” dagdag ni Jek.

Ngayong gabi, magsasama muli ang ilang personalidad na sumikat sa Pinoy rock scene no'ng '90s para sa concert na 90s Overload na gaganapin sa The Theatre at Solaire.

“As artists, ang main objective naman namin ay magbigay ng saya sa audience namin,” sabi ni Wency.

Ang 90s Overload ay isa nang “repeat” o pangalawang pagtatanghal ng grupo. Last year, itinanghal nila ang sold-out show na 'The 90s Live' sa Solaire.

Para naman kay Perf, magandang pagkakataon ang hatid ng kanilang reunion concert. “Dati kasi kung magkikita kami paisa-isa lang. Busy din ang bands namin. So very rare occasion yong nasa isang lugar lahat. Masaya pala pag magkakasama.”

Dagdag ni Perf, no'ng magkasama-sama sila para sa unang edisyon ng '90s Overload concert last year, in-enjoy nila ang buong experience. “'Yong samahan sa likod, samahan sa rehearsals, samahan during the show, andon pa rin e. We enjoyed the moment. I'm glad to be part of it.”