
Hindi lang pala workout buddies ang mag-amang Wendell Ramos at Wendell Saviour, kundi partners-in-crime din sa kalokohan!
Sa Instagram Stories ni Wendell Saviour, mapapanood na bumibili ang kanyang ama sa isang sari-sari store pero tila nakulitan yata ang tindera nito.
Wendell: "Pabili!"
Tindera: "Ano ba ang kulit kulit mo, kanina ka pa [bumibili diyan].
Wendell: "Ano po 'yun, 'nay? Ano sabi mo?"
Tindera: "Narinig ko na 'yan. Ang kulit kulit mo!"
Kahit na parang magkabarkada lang ang dalawa, hindi pa rin maalis kay Wendell na maging sweet sa kanyang binatang anak.