
Ibinahagi ng aktor na si Wendell Ramos ang ilang throwback photos niya sa kanyang Instagram account.
Source: wendellramosofficial (IG)
Sagot ito sa isang popular online trend kung saan tila nagtatanong ang isang anak kung ano ang hitsura ng kanyang mga magulang noong dekada '90.
Susundan naman ito ng slideshow ng throwback photos ng isang tao habang tumutugtog ang kantang "Iris" ng American rock band na Goo Goo Dolls.
Sa tulong ng kanyang misis na si Kai, nagbahagi si Wendell ng entry niya sa trend.
"Makikiuso," saad ng caption ng post.
Makikita dito ang ilang billboards ni Wendell bilang image model para sa isang popular na local clothing brand, magazine covers, at iba pang lumang pictures.
Bukod kay Wendell, nakisali rin sa trend na ito sina Dingdong Dantes, Anne Curtis, Richard Gomez at marami pang iba.
SILIPIN ANG THROWBACK '90S PHOTOS NG ILANG CELEBRITIES DITO:
Samantala, naging bahagi si Wendell ng action-drama series na Never Say Die, Monday to Friday, 8:50 p.m. sa GMA Prime. May same-day replay ito sa GTV tuwing 10:30 p.m.
Maaari itong i-livestream sa GMA Play, ang official streaming app ng GMA Network.
Available din sa GMA Play ang iba pa niyang past shows tulad ng Onanay, Prima Donnas, at AraBella.
I-download ang GMA Play sa Apple App Store at Google Play.
Available din ito sa GMANetwork.com/GMAPlay at sa mga Android TV.