What's Hot

Wendell Ramos at Katrina Halili, busy sa kani-kanilang pamilya ngayong quarantine

By Aaron Brennt Eusebio
Published August 15, 2020 7:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - NBI serves warrant of arrest against Sarah Discaya today, Dec. 18, 2025 | GMA Integrated News
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Katrina Halili and Wendell Ramos


Dahil walang taping ng 'Prima Donnas,' ano kaya ang pinagkakaabalahan nina Wendell Ramos at Katrina Halili?

Ginagamit ni Katrina Halili ang kanyang oras ngayong walang taping ng Prima Donnas para gabayan at disiplinahin ang kanyang unica hija na si Katie Lawrence.

Ayon kay Katrina, nakakatulong sa gawaing bahay si Katie.

Kuwento niya, “Natuturuan ko siya at nakakatulong siya sa akin dito.”

“Like paggising niya, nagpo-fold siya ng bed niya, tapos naghuhugas siya ng sarili niyang plato, nagwawalis siya 'pag may kalat siya, nagma-mop siya 'pag may kalat siya.

“Nauutusan ko siya. Actually, tine-train ko siya, [kasi] ayoko siyang lumaking señorita.

“Baka mamaya, tubig lang, hindi pa makuha. Gusto ko lumaki siya na marunong siya sa buhay niya.”

Katrina Halili and Katie Lawrence

Anak ni Katrina Halili si Katie Lawrence sa dati niyang boyfriend na si Kris Lawrence. / Source: katrina_halili (IG)

Ang co-star naman ni Katrina sa Prima Donnas na si Wendell Ramos ay busy sa pagwo-work out kasama ang kanyang anak na si Wendell Saviour.

Bukod riyan, kamakailan ay nagbukas ng food business si Wendell.

Saad niya, “We have to dream big.”

Wendell Ramos and Wendell Saviour Ramos

Kasa-kasama ni Wendell sa pagwe-work out ang kanyang ikalawang anak na si Wendell Saviour. / Source: wendellramosofficial (IG)

Magbabalik na ang Prima Donnas sa telebisyon simula August 17, Lunes, kung saan babalikan ang kauna-unahang episode at ilang eksenang tumatak.