
Sa ika-70 pagdiriwang ng anibersaryo ng GMA Network, binalikan ng batikang aktor na si Wendell Ramos ang kanyang pagsisimula sa Bubble Gang noong 1995.
Ayon kay Wendell, wala pang talent management arm ang GMA noon kaya malaki ang pasasalamat niya sa pagtitiwala ng GMA Network sa kanya.
“It means so much to me, it means a lot to me because they trusted us, us kasi magkasabay kami ni Antonio [Aquitania] noon sa Bubble Gang,” saad ni Wendell.
“At that time, wala pa noong Artist Center. Still, dahil true friends, dahil nagpagkatiwalaan lang, friendly lang si Douglas Quijano na nag-discover sa amin noon, with Ma'am Wilma [Galvante], Sir Jimmy, and Ma'am Marivin Arayata, they trusted us.”
“Doon pa lang, makikita na 'yung puso, 'di ba? Parang, hindi na kailangan na, 'O, ano naging background ng mga 'yan?'
“Kahit nga naging model ako, but still, nanaig 'yung puso ko, 'yung friendship, trust.
“Up to now, grabe, bukas na bukas pa rin 'yung kanilang mga kamay, at kanilang mga pinto at buong puso nila akong niyakap.
“It means a lot to me para maging isang Kapuso artist at nagpapasalamat ako.”
Umalis man si Wendell sa longest-running gag show ng Pilipinas noong 2011 pero ang kanyang karanasan sa Bubble Gang pa rin ang kanyang proudest Kapuso moment.
Alamin kung bakit sa kanyang #SolidKapuso video:
Ginagampanan ni Wendell ang karakter ni Jaime Claveria sa top-rating afternoon show na Prima Donnas.