
Parang magkakapatid lang ang mag-aamang Wendell Ramos, Saviour Ramos, at Tanya Ramos sa kanilang TikTok videos.
Sa edad na 44, pinatunayan ni Wendell na kayang-kaya niya pang makipagsabayan kina Saviour, 23, at Tanya, 16.
Naunang ibinahagi ni Wendell ang kaniyang TikTok video kasama si Tanya kung saan sumayaw sila sa saliw ng kanta ng Thundercat na "Them Changes."
"Ok na nak, @tanyasabelramos sige na mag-titoktok na ako!!" sulat ni Wendell sa caption.
Sa TikTok video naman nina Wendell at Saviour, hot na hot ang dalawa sa pagsasayaw ng remix ng Nirvana at "Señorita."
"Humabol patong si kuya @saviourxxramos...di naman alam ang steps. Practice ka muna nak!" biro ni Wendell sa caption.
Sa comment section ng Instagram posts ni Wendell, tuwang-tuwa naman ang kaniyang mga tagasuporta at pinuri pa ang mag-aama.
"You guys [are] father and son? More like brothers to me… pogis!" komento ng isang netizen.
Mapapanood sina Wendell at Saviour sa upcoming GMA Afternoon Prime series AraBella na pagbibidahan nina Shayne Sava, Althea Ablan, at Camille Prats.
SAMANTALA, TINGNAN ANG BUHAY NI WENDELL BILANG AMA SA MGA LARAWANG ITO: