
Mahigit isang buwan na ang bunsong anak ni Wendell Ramos nang una niya ito makita sa personal.
Noong nanganak kasi ang kanyang asawang si Kukai Ramos ay naka-lock in taping si Wendell para sa ikalawang season ng Prima Donnas.
"Good thing sa technology, nakikita ko na siya almost everyday doon sa video chat namin but siyempre different feeling na makita mo 'yung anak mo nang personal," kuwento ni Wendell sa GMANetwork.com.
"It was such a blessing. Para sa akin, naghalo-halo, mixed emotions kasi 'yung pinagdaanan namin na matagal sa pagkaka-lock in namin.
"Yes, mahirap, nandoon 'yung nagsama-sama kami but nandoon 'yung naramdaman ko na lahat ng pagtitiyaga, lahat ng paghihirap and then nakita mo pa 'yung baby mo na healthy despite what's happening sa mundo natin."
Masayang masaya rin si Wendell dahil nakikita niya ang kanyang mga anak na sina Saviour at Tanya na maging kuya at ate kay Baby Maddie.
"Natutuwa ako kasi sila 'yung parang mas very protective when it comes sa paghahawak [kay Baby Maddie]," masayang kuwento ni Wendell.
"Nakita ko sa kanila 'yung na-inspire sila ngayon kasi ngayon, luckily nandito sila sa GMA Network, in a way na-inspire sila. Nandyan 'yung biru-biruan ko lang sa kanila na at least meron na pang-milk 'yung anak ko, meron akong katulong pang-milk sa bunso, may magpapaaral na doon sa bunso ko.
"Biru-biruan lang but in a way, hindi ko naman sila inoobliga but nai-inspire sila na hindi na muna nila kailangan maghanap ng ibang bagay para ma-inspire or have this drive sa buhay aside from doon sa tiwala ng binigay ng GMA at ng blessing ni God sa kanila."
Dagdag pa ni Wendell, maraming matututunan sina Saviour at Tanya kay Baby Maddie.
"Nandoon 'yung busy sila sa gusto nilang gawin sa buhay but nandoon pa rin 'yung pagiging ate [at kuya]. "Yun 'yung blessing din, at an early age, may katulong na agad ako sa pagpapalaki doon sa bunso.
"Definitely, makakatulong din sa kanila 'yun. Sabi ko nga, ang blessing na ito nung nagkaroon ako ng anak, hindi lang para maging palamuti o magkaroon ng bagong chapter 'yung buhay namin.
"When it comes to my children, kina Kuya, kina Kakai, kina Tanya, na it will help them also to drive na 'wag sayangin 'yung mga opportunity na dumadating dahil lumalaki na 'yung family namin."
Mas kilalanin pa ang bunsong anak ni Wendell na si Baby Maddie sa mga larawang ito: