What's Hot

Wendell Ramos, ibinahagi ang pribilehiyo ng pagiging bumbero

By Dianara Alegre
Published July 3, 2020 1:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Woman killed by live-in partner in Caloocan
Bagong steel hanging bridge, handog ng GMA Kapuso Foundation sa Rodriguez, Rizal | 24 Oras
Hospitals activate Code White on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

wendell ramos realizes dream to become a firefighter


Ibinahagi ni Wendell Ramos na pangarap niya talaga maging isang bumbero at makatulong sa kapwa.

Nagsimula na si Prima Donnas actor Wendell Ramos sa trabaho bilang isang boluntaryong bumbero, na inanunsiyo niya nitong Huwebes, July 2.

Ayon sa aktor, mixed emotions ang naramdaman niya nang respondehan ang mga taong nasunugan.

Dagdag pa Wendell, tama raw ang desisyon niyang maging bumbero at makatulong sa mga tao nang walang hinihinging kapalit.

“Hindi ako perpekto pero I think tama 'yung ginagawa ko ngayon para sa buhay ko. Ang pribilehiyo ng pagiging boluntaryo is 'yung nagte-thank you ang tao sa 'yo na nakatulong ka sa kanila,” aniya.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Wendell ang dahilan ng kanyang pagboboluntaryo.

“Nu'ng bata ako, gusto ko maging pulis hanggang sa dumating gusto ko maging Army.

"Ito, totoo 'to na tama 'yung naging desisyon ko sa mga naging bucket list ko pulis, bumbero, Army, so naging tama.

“Hindi ko rin alam, e. 'Yung timing ng pagbubumbero ko parang eksakto rin dito sa nangyayari sa sitwasyon ng mundo natin at ng bansa,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa aktor, nais niyang makatulong sa mga nangangailangan bilang pagpapasalamat na rin dahil nasa maayos na kalagayan sila ng kanyang sa kabila ng COVID-19 pandemic.

“To be honest, nu'ng panahon ng pandemic hindi ako nakalabas. Sabi ko sa wife ko, 'Ano pa pwede kong gawin?'

“Mayroon akong ipon, mayroon akong tabi pero hindi ko lahat maibigay. Ano pa ang pwede kong maibigay sa tao to give back dahil kahit papano nu'ng time na nagkaroon ng pandemic nakakain ako nang maayos,” sabi niya.

Wendell Ramos has "mixed emotions" on his first day of duty as a firefighter

A post shared by Wendell Ramos (@wendellramosofficial) on

Samantala, tuluy-tuloy umano ang training ni Wendell para mas maging angkop ang kanyang kapasidad sa trabaho.

Hindi lang ensayo sa pamatay sunog kundi pag-rescue at pagtugon sa pangangailangan ng kanilang komunidad sa Maynila ang pinagtutuunan ngayon ng pansin ng aktor.

Sumailalim si Wendell sa firefighter's training at isa nang certified Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) firefighter.

It was really an Honor to train and be a certified ABP #angbumberongPilipinas but to be honest, I need to learn and experience more... It's truly a humbling experience for me 🙏🏻 at sa inyo pong lahat na mga bumbero ng pilipinas.. #saludo po ako sa inyong lahat 🙌🏻💯 mabuhay po ang ABP nating lahat! #wendellramos #batangsampalocmanila☝🏻 #godisgreatallthetime @ifuelgasstation.ph @commissary_kitchen @clinicadebeleza_official @kukai_g.ramos @dellxxramos @tanyasabelramos @krish_official2020 @krissyachino @ppl_perrylansigan @ppl_tracybaky @lrramos25 @achillesdemetri @blinkisungga @erbinstagram @aikomelendez @katolikongpinoy @dongdantes

A post shared by Wendell Ramos (@wendellramosofficial) on