GMA Logo Wendell Ramos
Celebrity Life

Wendell Ramos, inilahad ang inspirasyon sa pananatiling fit at healthy

By Marah Ruiz
Published August 11, 2025 3:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Massive fire kills 6 in Pakistan’s Karachi, destroys shopping center
No classes in Cebu City, province after Sinulog festivity
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Wendell Ramos


May rason kung bakit pursigidong manatiling fit at healthy si Wendell Ramos. Alamin dito.

Masipag sa pagwo-workout ang aktor na si Wendell Ramos.

Kaya naman sa edad n 46, kitang-kita ang resulta ng disiplina niya sa pag-eehersisyo.

Ayon kay Wendell, pursigido siyang alagaan ang kanyang sarili para magkaroon ng mahaba at mas malusog na buhay.

Ito ay para mas matagal pa niyang makasama ang bunso niyang anak na si Maddie na three years old na ngayon.

Sa isang video sa Instagram, ibinahagi ni Wendell ang isang workout session niya sa gym.

Espesyal ang session na ito dahil sumama sa kanya si Maddie.

"Whenever I'm at the gym, go hard tlaga ako.. But a little extra motivated today.. especially na kasama ko tong bunso ko na one of the reasons why I'm doing my best not just to be fit but to have a longer and healthier life..," sulat ni Wendell sa caption ng kanyang post.

Masaya rin siyang makitaan ang anak ng interes sa pagiging fit.

"Mukhang my future olympian ako 💕," dagdag niya.

A post shared by Wendell Xavier Ramos (@wendellramosofficial)

Bukod kay Maddie, may dalawa pang anak si Wendell.

Sila ang kapwa Sparkle artists na sina Saviour Ramos at Tanya Ramos.

Nakatakdang maging bahagi ng upcoming action-drama series na Never Say Die si Wendell.

Makakasama niya rito sina Jillian Ward, David Licauco, Richard Yap, at marami pang iba.

KILALANIN ANG CAST NG UPCOMING SERIES NA 'NEVER SAY DIE' DITO: