GMA Logo wendell ramos in kamao
What's on TV

Wendell Ramos, nag-react sa kanyang 'Kamao' bashers

By Jansen Ramos
Published June 30, 2026 5:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (July 26, 2026) LIVE
Malaysia to make F1 comeback in October as host of Bahrain GP
Global bartending champion Felice Capasso shares the secret to a world-class cocktail

Article Inside Page


Showbiz News

wendell ramos in kamao


Kuha ni Wendell Ramos ang inis ng 'Kamao' viewers dahil sa kanyang pagiging epektibong kontrabida sa serye.

Kinaiinisan sa hapon ang karakter ni Wendell Ramos sa GMA family sports drama na Kamao.

Dito gumaganap si Wendell bilang Caloy, ang boxing rival ni Nonoy, na karakter ni Neil Ryan Sese. Si Nonoy ang ama ni MakMak, na bida ng serye na ginagampanan ni Kapuso dramatic action star Anton Vinzon.

Matapos ipakalat ni Caloy ang sex video scandal ni Nonoy kasama ang kapwa lalaki, nasira ang boxing career ni Nonoy.

Hindi roon natapos ang pang-aagrabyado ni Caloy kay Nonoy dahil maging ang anak nitong si MakMak ay nadamay dahil sa kanyang insecurity.

Pinalaglag ni Caloy si MakMak sa Guerrero boxing gym pero nakabalik din naman agad ang binata sa training matapos humingi ng pabor si Nonoy. Nagbigay ng kondisyon si Caloy kay Nonoy, ang rumampa habang may suot na gown, bagay na ginawa naman ng huli para makabalik ang kanyang anak sa gym.

Samantala, pinag-iinitan din ng anak ni Caloy na si Lance, ginamgapanan ni Bruce Roeland, si MakMak matapos itong nakitaan ng potensiyal sa boxing.

Dahil sa kanyang pagiging epektibong kontrabida sa serye, kuha ni Wendell ang galit ng Kamao viewers.

Sa isang recent Facebook post, mahinahon na nag-react ang aktor sa kanyang bashers. "ACTING NGANI. 'Wag magalit," sulat in Wendell kalakip ang laughing emojis.

Mapapanood ang Kamao weekdays sa oras na 3:20 p.m. pagkatapos ng Born To Shine sa GMA at Kapuso Stream.

Available naman ang full episodes, highlights, at iba pang exclusive content ng Kamao sa GMANetwork.com at sa GMA Play, ang official video streaming app ng GMA Network.

Ipinapalabas din ang family sports drama overseas via GMA Pinoy TV.

RELATED FEATURE: Kapuso stars at ang kanilang kontrabida roles