
Kilala bilang isa sa mga hunks noon hanggang sa ngayon, aminado si Kamao star Wendell Ramos na nakakatanggap siya dati ng mga indecent proposals. Ayon pa sa aktor, ang mga inaalok sa kaniya ay maaaring maging dahilan ng isang tao para hindi na magtrabaho.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes (May 28) kasama ang co-star niyang si Bruce Roeland, inamin ni Wendell na marami siyang nakukuhang indecent proposals noon at flattering daw ito dahil hindi umano biro ang mga inaalok sa kaniya.
“Something na parang puwedeng tamarin ka na, maging reason para tamarin ka na mag-work. I don't know. Tinatanong mo rin ang sarili mo, I'm asking myself, 'Totoo ba 'tong ganito? Pero parang totoo, legit naman sila,” sabi ni Wendell.
TINGNAN KUNG ANO ANG REAKSYON NG IBANG CELEBRITIES SA INDECENT PROPOSALS SA GALLERY NA ITO:
Sabi ni Wendell, nakakataba man ng puso at flattering man na alukin siya ng mga ito, hindi rin ito maganda.
“Sometimes talagang kakainin ka rin kung medyo mahina-hina 'yung -- hindi ko sinasabing perpekto ako, Tito Boy, pero pwede kang kainin, e. Nu'ng situation, pwedeng maging reason ng downfall mo sa work mo,” sabi ng aktor.
Ngayon, feeling blessed lang si Wendell na nakamit niya ang lahat ng meron siya at naiahon ang kaniyang pamilya ng gamit lang ang sariling sikap.
“Hindi ako naging perpektong tao, but in a way, so far, alam ko na kung ano man 'yung meron kami at naitaguyod kong pamilya is because of God's grace and hard work,” sabi ni Wendell.
Bilang isa naman sa mga maituturing na pinakabagong hunks, meron din umanong indecent proposals na nakukuha si Bruce.
Pagbabahagi ng young actor, “Tito Boy, I know kasi 'pag may indecent proposal ang isang tao, e. So I'm just upfront with them. I tell them, diretso na, that I'm not interested. Pero if they wanna keep a healthy communication with me, I'm open to that.”