What's Hot

Wendell Ramos on kissing Eugene Domingo: “Kung papayag si Ms. Uge!”

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated August 17, 2020 9:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Fire engulfs warehouse in Caloocan City
Sarah Discaya, 8 others detained at jail in Mactan, Lapu-Lapu City
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News



Ano kaya ang pakiramdam ni Wendell Ramos ngayong muling katambal niya si Eugene Domingo, at gusto ba nitong magkaroon sila ng kissing scene?
Ano kaya ang pakiramdam ni Wendell Ramos ngayong muling katambal niya si Eugene Domingo, at gusto ba nitong magkaroon sila ng kissing scene? Text by Karen de Castro. Photo courtesy of GMA Network. starsKabilang si Wendell Ramos sa pinakabagong weekend sitcom ng GMA ngayon, ang Jejemom. Mula sa Bubble Gang, hanggang sa SRO Cinemaserye presents Hot Mamaat ngayon sa Jejemom ay puro comedy ang kinabibilangan ni Wendell na mga projects. Masasabi ba niyang at this point ay gamay na gamay na niya ang comedy kaya madali na para sa kanya ang kanyang role sa Jejemom? “Well actually, hindi naman,” sagot ni Wendell. “Yung character ko dito as a police, policeman, detective, hindi naman siya more on nagco-comedy pero mga OA lang yung reactions, parang ganun. Dito ay muli niyang makakatambal ang Kapuso Comedy Queen na si Ms. Eugene Domingo. Una nang pumatok ang kanilang tambalan sa Hot Mama. Magtutuloy-tuloy na kaya ang kanilang pagtatambalan ngayong muli silang na-reunite sa Jejemom? “Sana po. Actually nagpapasalamat nga ako sa lahat ng sumuporta sa Hot Mama. Doon po nagsimula ‘yan e,” paglalahad niya. “Very thankful ako siyempre kay Ms. Uge dahil naging part ako ng mga projects niya.” Maaasahan naman kaya ng mga manonood na magkakatuluyan ang kanyang character na si Dindo, na nagpapanggap na asawa ng star witness na si Gigi, na ginagampanan naman ni Eugene? “Ang alam ko pa lang so far dun sa script na lumalabas na ginagawa namin is magiging mag-asawa kami,” kuwento niya. “Yung conflict is ayaw namin pareho. Kaya ewan ko lang kung matutuloy siguro sa ganun.” Ibig sabihin ba nito ay walang maaasahan ang mga fans na kissing scene soon? “Magkakaroon pa lang po,” pabirong sagot niya. “So far, wala pa pong ginagawa na ganun, na may kissing scene. Bed scene, wala pa rin po. Ewan ko, kung papayag si Ms. Uge!” Abangan kung ano ang mangyayari sa pagsasama nina Dindo at Gigi sa Jejemom, tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng Kaya ng Powers only on GMA. Pag-usapan si Wendell sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here! Get in touch with Wendell. Just text WENDELL (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpaper, text GOMMS (space) WENDELL (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.