
Inilahad ni Wendell Ramos ang pinaka-daring na proyekto na ginawa sa kaniyang buong career.
Sinagot ito ni Wendell nang siya ang napasabak sa hot seat sa pagbisita sa Sarap, 'Di Ba? ngayong September 21.
Tanong sa Shining Inheritance star, "Ano ang pinakadaring at pinaka-sexy mong nagawa sa buong career mo? May mga naging regrets ka ba noong ginawa mo 'yun?"
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
Sagot ni Wendell, "When I did movie with Direk Gil Portes. I ran naked, naked talaga. Naging difficult sa akin 'yun. 'Yun 'yung Bayang Magiliw."
Ang pelikulang Bayang Magiliw ay ipinalabas noong 2013.
Dugtong pa ni Wendell, "Ginawa ko 'yun, explanation sa amin ni Gil Portes at that time, magiging not too daring kapag 'nilabas. Pero while doing it, noong shoot na 'yun, hindi comfortable. In a way parang nabigla rin ako doon."
Dugtong na tanong ng Sarap, 'Di Ba? host na si Carmina Villarroel-Legaspi kay Wendell ay kung may regrets ba siyang naramdaman dito.
"Regrets in a way siguro dapat na-double check ko lang maigi."
Ayon pa kay Wendell, walang naging problema nang makita niya ang kinalabasan ng eksenang ito.
"God is good, Ms. Mina. Wala naman naging problema 'yung naging outcome noong movie. Noong lumabas siya, talagang madilim lang."
SAMANTALA, BALIKAN ANG FAMILY PHOTOS NI WENDELL DITO: