Celebrity Life

"We’re hoping na mapansin tayo ng ibang mga bansa at baka tayo naman ang gayahin" - Ryan Agoncillo on Picture! Picture!

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 26, 2020 4:08 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



lang oras bago magsimula ang kanyang pilot episode para sa 'Picture! Picture!', nainterview ng 'Startalk TX' si Ryan para sagutin ang mga katanungan tungkol sa pagbabalik Kapuso, buhay pamilya, at ang mga programa nila ng asawang si Judy Ann Santos-Agoncillo na sabay ineere tuwing Sabado ng gabi.

1998 nang magsimula si Ryan Agoncillo sa programang Mornings @ GMA. Aniya, nung panahong yun, hindi pa uso ang terminong “Kapuso”. Pagkatapos ng 12 taon, siya ay magbabalik para sa isang game show tuwing Sabado ng gabi, ang Picture! Picture!

Nung nakaraang Sabado, nagsimula na ang bagong game show na pinagbibidahan ng ating quiz master at award winning host na si Ryan Agoncillo.

Ilang oras bago magsimula ang kanyang pilot episode para sa Picture! Picture!, nainterview ng Startalk TX si Ryan para sagutin ang mga katanungan tungkol sa pagbabalik Kapuso, buhay pamilya, at ang mga programa nila ng asawang si Judy Ann Santos-Agoncillo na sabay ineere tuwing Sabado ng gabi.

“Yung nandito ako na ‘where you belong’ pa, hindi pa uso yung Kapuso eh. Kaya it’s good to be finally a true kapuso.” Aniya Ryan nang matanong siya tungkol sa pagbabalik Kapuso.

Pahayag ni Ryan na napag-usapan nila ng kanyang asawa na si Judy Ann ang tungkol sa kanilang mga programa. “When Judy Ann accepted Bet On My Baby, napag-usapan na naming na anu man ang  mangyari, kung accept ko yung show ng Kapuso or I stay with Talentadong Pinoy sa Kapatid, magbabangaan kami ng Saturday night. Kung magkabangaan [ng programa] laruin na lang namin.”

Kinamusta din ng Startalk ang buhay pamilya ni Ryan, lalo na’t napapabalitang buntis ang kanyang asawang si Judy Ann.

“We don’t know yet. Nag-control kasi kami [ni Judy Ann] for a while, para palakihin muna si Lucho. So middle of this year we actively tried na sundan si Lucho. As we speak, ay sana.” ang nakangiting pahayag ni Ryan.

Sinundan ito ng tanong tungkol sa bago niyang game show na Picture! Picture!

“You know what’s exciting about Picture! Picture! is that it’s an original concept. Yung paglilitrato, natural na sa 'ting mga Pilipino. Mahilig tayo sa picture, picture di ba? Kahit saan tayo magpunta.” aniya ni Ryan.

“With our natural affinity to quiz shows, 'yun ang exciting. And the thought that this is an original show were giving birth to. May excitement, may kapaan. There will definitely be talisod along the way, but that’s what’s good because we’re hoping na mapansin tayo ng ibang mga bansa at baka tayo naman ang gayahin.”

Abangan si Ryan Agoncillo sa Picture! Picture! tuwing Sabado ng gabi pagkatapos ng 24 Oras.

--Text by Maine Aquino, GMANetwork.com