
Makikisaya ang content creators at sweethearts na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario sa The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo (February 4).
Mas makikilala ang real life couple sa larong “Perfect Match” habang sinasagot nila ang mga tanong tungkol sa relasyon.
Ipe-presenta rin ng couple ang mga uri ng pasahero sa jeep sa “TBATS Top 5.” Bukod kina Whamos at Antonette, ibabahagi rin nina former Mema Squad members Ian Red at Pepita Curtis ang ilang nakakatawang "jeepney" anecdotes.
The Filipino TikTok content creators with over 5M followers that you need to follow now
Samantala, mayroong mabibiktima ngayong gabi sa isang prank segment. Sino kaya ito?
Huwag palampasin ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo 10:05 p.m. sa GMA, Pinoy Hits, at Kapuso Stream. Mapapanood din ang programa sa oras na 11:05 p.m. sa GTV.