
Ang hashtag “DeePaTapos” magiging “GRANDee”?
Maraming spekulasyon ang kumakalat online ukol sa mga posts ni Michelle Dee. Isa na rito ang usap-usapan na nais umano mag-compete ni Michelle Dee sa Miss Grand Philippines next year.
Umugong ang mga haka-haka tungkol dito nang mag-post ang Sparkle beauty queen sa kanyang X account na, “never say never” at “what if…”
Never say never. 🫶🏻
-- MMD (@michellemdee) November 18, 2024
what if….
-- MMD (@michellemdee) November 18, 2024
May ilang pageant fans din ang nakapansin na naka-follow na ang IG account ni Michelle Dee sa official IG page ng Miss Grand International.
Matatandaan na naging Top 10 finalist si Michelle Dee sa Miss Universe pageant noong 2023.
Source: michelledee (IG)
Sunod-sunod tuloy ang pag-uudyok ng mga netizen kay Michelle Dee na subukan muling mag-compete.
Hirit sa kaniya, “Okay lang ba hilingin na sumali ka sa Miss Grand? Ems”
Napatanong naman ang isang netizen na makita ang post niya sa X, “Sasali MGI?”
Okay lang ba hilingin na sumali ka sa Miss Grand? Ems 😂🫣
-- Misch (@misch_hvs) November 18, 2024
Feeling ko deserve mo ng pang malakasang production and pangmalakasang experience……
-- Misch (@misch_hvs) November 18, 2024
Kakanta na ba kami ng Miss Grand… the one and only …. 😂💙
you deserve the GRANDest stage & the best prod, LFG‼️
-- Taybrina Abrams (@rawr_yarn) November 18, 2024
G-R-A-N-DEE..... DEE ONE AND ONLY🤔
-- FayeYo🐸🥧 (@MariaFerna48595) November 18, 2024
totoo ba ang chismis Miss Grand 2025??? 😂🙏🥰 #wmmmo @michellemdee
-- Lonely Planet X (@LowCatMe) November 18, 2024
Itinanghal na first runner-up ng Miss Grand International 2024 ang Pinay beauty queen na si CJ Opiaza sa coronation night na idinaos sa in Bangkok, Thailand noong nakaraang buwan. Inuwi ni Miss India Rachel Gupta ang korona ng naturang edisyon.
RELATED CONTENT: Here's what CJ Opiaza has been doing since Miss Grand International