Article Inside Page
Showbiz News
Smelly socks, annoying attitude or too much noise. You'll never guess what irks Kapuso teen star Barbie Forteza the most.
By MICHELLE CALIGAN
PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com
Most, if not all, people do not like latecomers, and Barbie Forteza is one of them. The young actress expressed that if there is anything that annoys her, it's not arriving on time.
"Kasi 'di ba nga, ume-effort ako na maging on time, na laging kapag sinabing 'Actors in', kahit 3 a.m., kahit borlogs na ako, wala ako sa sarili ko, pupunta ako sa set kahit hindi ako nakapagsuklay, nakapag-retouch, para lang mauna ako sa set," pahayag niya.
Minsan nga daw ay sa kotse na siya nag-aayos kung sa tingin niya ay mahuhuli siya ng dating sa set. "Basta gusto ko, hindi ako ang cause of delay. Siyempre, nakakainis kung ikaw ganun, 'yung iba hindi. Hindi sila marunong magpahalaga sa oras."
Ito rin daw ang greatest lesson na natutunan niya sa ilang taon niyang pananatili sa showbiz.
"Huwag na huwag kang male-late. Huwag talaga, kahit sabihin na natin na na-pack up ka ng six am, tapos from six am kailangan mong dumating somewhere ng eight am. Kahit sabihin na natin na hindi ako naligo or doon na lang ako maliligo, kailangan kong dumating sa oras."
Dagdag pa niya, "Basta sabi sa akin ng nanay ko, kasi lagi ko pa rin silang kasama hanggang ngayon, kapag ako na lang daw mag-isa, huwag na huwag ako male-late. Dahil kung hindi, may palo daw ako (laughs)."